Binabasa mo to. Siguro naiintindihan mo, siguro hindi. Pilipino ka nga ba? Pinoy? Masaya ka parin bang maging Pinoy? Kung ako ang pag-babalingan ng tanong na yan, siguro sa panahon ngayon maisasagot ko na hindi narin. Dati, nang mga panahong hindi pa ako pinapanganak ay may kahambugan pang ipinagmamalaki ng mga Pinoy ang Pilipinas at sarili nila. Mga ibon kung ilarawan ang mga Pinoy noon. Makalaya, at matuwid ang lipad. Kinukuha natin kung ano ang kailangan natin para magbigay ng sustansiyang mabuti sa mga susunod na henerasyon. Malayang bansa. Iyan ang ipinagmamalaki natin dati. Malaya --- hindi sa moralidad kung hindi sa pakikialam ng iba sa kasiyahan at mga ngiti natin.
Pero ngayon ay ano ang nangyare? Para maprotektahan ang Pinoy sa hatol ng ibang bansa ay kailangan pang lumuhod ang mga pinuno natin sa mga pinuno ng iba. Para umangat ay kailangan pa nating magpahila sa iba, at hindi sa tapat na kalooban kung hindi para sa kapalit na salapi o lupa. Para saan pa’t nabansagan tayong mga Agila noon? Naputulan na nga ba ng tuka ang mga Agila ng Pilipinas? Lumubog na nga ba ang araw ng watawat natin na dapat ay nagiging gabay natin patungo sa nararapat?
Oo at lumilipad parin nga tayo. Pero patungo saan? Madaming pera ang nagagasta para sa bansa. Pero walang nangyayari. Wala. Para lang tayong mga ibong naputulan ng pakpak, sinusubukang lumipad, pero walang direksyon at layunin. Lumilipad lang para sa kapakanan ng paglipad.
Sa pangkasalukuyang panahon, ginagawa pa ng bansa nating magbigay kasiyahan sa ibang bansa at mabusog sila bago pa tayo makagalaw ng mapayapa. Pero kailangan nga ba? Anong magagawa nila kung uunahin natin ang sarili natin para sa sarili natin? Para lang tayong mga ibong nakakulong sa hawlang hindi makita ng ordinaryong pares ng mga mata. Mas mabute pang maging uwak na libreng ginagawa ang kailangan at gusto niya kesa maging ibong nasa hawla. Kahit kasuklaman tayo ng ibang bansa dahil hindi natin sila inaasikaso ay mahalin man lang tayo ng mga susunod na henerasyon dahil may ginawa tayo, hindi para sa iba, kung hindi para sa sarili nating bansa.
Pinoy tayo. Gawin natin ng rason para maipagmalaki ang pagiging Pinoy natin. Hindi sa pakikipaglokohan sa ibang bansa kung hindi sa pagsisimula sa sariling atin, sa Pilipinas. Nasa dugo natin ang kalayaan. Maging malaya naman tayo hindi lamang sa salita, subukan narin nating lumipad sa ibabaw ng iba pang mga bansa.
-JJMJ-

The effect hides any country reject into my economics.